Ang biktimang si Lyndon L. Napari, ay ikatlong landowner na napapatay simula pa noong 2000 at malapit na kaanak ni re-electionist Mayor Giovani Napari.
Base sa impormasyon, unang pinatay na landowner ay si Loloy Labra, noong Hunyo 12, 2000 at sinundan ni Francisco Fontanosa noong Disyembre 31, 2003.
Gayunman, hindi naman ginalaw ang drayber ni Napari na si Carlito Ortega matapos na mag-usisa ang mga killer na inosente at pagsabihang lumabas na ng plantasyon ng tubo sakay ng track.
Ayon kay PO2 Benjamin Dacallos, ang biktima ay binaril ng shotgun sa kaliwang mata ng hindi kilalang lalaki na nasa edad 18 hanggang 20-anyos. (Ulat ni Roberto C. Dejon)