Police chief,aide pinatay sa videoke bar
April 28, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Isang hepe ng pulisya at sibilyang aide nito ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga nakabangga nitong sundalo matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng videoke bar sa Laak, Compostella Valley kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na si P/Inspector George Torres, hepe ng Laac Police at sibilyang aide na si Edgar Basoc.
Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya kung sino sa itinuturong grupo mula sa mga tauhan ng Armys 68th Infantry Battalion (IB) ang responsable sa pamamaslang.
Batay sa ulat, naganap ang pamamaslang sa loob ng videoke bar na sakop ng Poblacion bandang alas-10 ng gabi.
Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang nagliliwaliw ang nasabing hepe kasama si Basoc nang dumating ang grupo ng mga sundalo at mag-inom din sa nasabing lugar.
Sa di pa malamang dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Torres at ng mga tauhan ng 68th IB hanggang sa pagbabarilin ang mga biktima.
Matapos pagbabarilin ang mga biktima ay nagmamadaling tumalilis sa nasabing videoke ang naturang grupo ng mga sundalo.
Kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga pinaghahanap na tauhan ng Armys 68th IB na may kagagawan ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest