Security escort ng kandidato todas sa misencounter
April 27, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Isang sundalong security escort ng Lakas-NUCD CMD mayoral bet ang napaslang makaraang makasagupa ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa naganap na misencounter sa Tagapul-an, Western Samar kamakalawa.
Nilinaw ni Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Chief Supt. Dionisio Coloma, taliwas sa unang napaulat ay isa lamang at hindi dalawa ang nasawi sa mga security escort ni mayoralty bet Eden Atendido ng Lakas-NUCD sa naganap na misencounter.
Kinilala ni Coloma ang nasawi na si Pfc Roel Ynales, ng Armys 34th Infantry Battalion (IB) na itinalagang security escort ni Atendido.
Ayon kay Coloma, naganap ang enkuwentro sa pagitan ng mga security escorts ni Atendido at ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Brgy. Luna, Tagapul-an, Western Samar dakong ala-1 ng madaling-araw.
Nabatid sa heneral na nakatanggap ng ulat ang kanilang tanggapan hinggil sa presensiya ng mga armadong kalalakihan sa nasabing lugar na kilalang rebel infested area.
Agad namang rumesponde ang pulisya at militar at nakasagupa ang armadong grupo na nooy nakasibilyan na lingid sa kanilang kaalaman ay mga security escort ni Atendido na mismong kasamahan pa nila sa serbisyo at hindi mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) tulad ng nasagap na impormasyon.
Anang heneral, "Its an unfortunate incident, kagagaling ko lang dun sa area para makiramay sa pamilya ng biktima, nabigla nga rin yung mga pulis at military elements natin dahil ang nakasagupa nila ay taga-34th IB rin." (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended