Bahay ng board member pinasabog
April 26, 2004 | 12:00am
PEñARUBIA, Abra Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Peñarubia matapos na hagisan ng granada ng mga hindi kilalang lalaki ang bahay ng board member na kumakandidatong mayor kahapon ng madaling-araw.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa pagpapasabog ng bahay ni Tony Domes-ag, maliban sa tatlong sasakyan ang nawasak.
Base sa impormasyong nakalap ng PSN, kalaban ni Tony Domes-ag sa pagka-alkalde ay ang asawang si Lovely Domes-ag na kaalyado ngayon ni Governor Vicente Valera.
Dahil sa sunud-sunod na insidente ng karahasan, may posibilidad na isailalim sa Comelec control ang Bangued, Lagayan, Lagangilang at Tineg.
Sinisilip ang pulisya, kung may bahid ng politika ang naganap na pagpapasabog sa bahay ni Tony Domes-ag. (Ulat ni Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest