Mayoralty bet nakaligtas, escort patay sa ambush
April 25, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang mayoralty bet subalit minalas namang napaslang ang sundalong alalay nito makaraang tambangan ng dalawang di pa nakikilalang armadong kalalakihan habang nangangampanya sa bayan ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental kamakalawa.
Kinilala ang nakaligtas na target na si Francis Suan, at tumatakbong alkalde sa Sapang Dalaga.
Agad namang binawian ng buhay matapos masapul ng bala sa dibdib ang security escort nito na kinilalang si Cpl. Benjihon Yusop, kasapi ng Armys 5th Infantry Battalion.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, bandang ala-1:35 ng hapon habang nagsasagawa ng bahay-bahay na pangangampanya ang biktima sa Brgy. Ventura, Sapang Dalaga, Misamis Occidental nang biglang sumulpot ang dalawang killer na lulan ng motorsiklo.
Armado ng M-16 rifles ay saglit na huminto ang mga suspek ilang hakbang mula sa kinaroroonan ni Suan ay agad pinuntirya ng pagpapaulan ng punglo.
Nasapol sa dibdib ang security escort ni Suan habang mabilis namang nakatakbo ang nasabing mayoralty candidate matapos na maramdaman ang panganib.
Nabigo ang mga salarin na mahabol pa si Suan dahil sa paparating na mga elemento ng militar na nakarinig sa mga putok.
May teorya ang mga awtoridad na may kinalaman sa pulitika ang pagtatangka sa buhay ni Suan habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest