Sarhento nagbigti sa hirap ng schooling
April 24, 2004 | 12:00am
FORT MAGSAYSAY, Palayan City May posibilidad na nahirapan umano sa military schooling ang isang 37-anyos na sarhento ng Philippine Army kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kampo ng militar kamakalawa ng tanghali.
Ang biktimang natagpuang nakabitin sa punong alibangbang sa madamong bahagi ng multi-purpose chapel ay nakilalang si Sgt. Jerry Sabuero, may asawa, residente ng Barangay Patag, Camp Edilberto Evangelista, Cagayan de Oro City at nakatalaga sa 10th FAB, 4th ID, Barangay New Leyte, Prosperidad, Agusan del Sur.
Base sa imbetigasyon ni SPO2 Lauro Gasper, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-12:30 ng tanghali makaraang magawi sa nasabing lugar sina: Pvt. Arnell Nicolas, Pvt. Edwin Gabin at Pvt. Rey Ca-ampued.
Ayon sa ulat, ang biktima ay kasalukuyang mag-aaral ng field artillery non-commission officer advance course class 14-04, HQS, Trados at huling namataang nakatayo sa naturang lugar.
Ang biktima ay naging malungkutin matapos na makakuha ng mababang grado sa ilang subject sa nasabing kurso, base na rin sa impormasyon nakalap ng pulisya sa mga kaklase.
Ayon pa sa ulat, na ilang minutong namataan ang biktima na nakatayo at hindi kumikilos kaya nilapitan ng tatlo sa pag-aakalang may masamang nangyari.
Dito napansin na nakabitin ang biktima sa nasabing puno na animoy nakatayo. Narekober sa bulsa ng biktima ang suicide note kasama ang Nokia 3310 cellphone at P6,000. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest