Police escort patay, 1 sugatan: Mga alalay ng 2 kandidato nagsagupa
April 23, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Naging madugong sagupaan ang naganap sa pagitan ng magkalabang kampo ng mayoralty bet na ikinasawi ng isang pulis escort at ikinasugat naman ng isa noong Miyerkules ng hapon sa Indanan, Sulu, Jolo, ayon sa ulat.
Hindi naman agad natukoy ang pangalan ng nasawi, maging ang sugatan alalay ng kandidato makaraang magkabarilan sa harapan ng tindahan ang magkalabang kampo ng kandidato sa pagka-alkalde.
Base sa ulat, bandang alas-2:05 ng hapon nang makasagupa ng limang pulis na alalay ni Indanan Mayor Khan Isnaji, ang mga alalay naman ng kandidatong alkalde na si Mali Talib.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na lulan ng Tamaraw Fx ang limang pulis na alalay ni Mayor Isnaji at pagsapit sa harapan ng tindahan ay pinaputukan sila ng mga alalay naman ni Talib, kaya gumanti ng putok.
Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawang alalay ni Mayor Isnaji habang sa kabilang panig naman ay pinaniniwalaang may mga duguan din na alalay ni Talib.
Humupa lamang ang sagupaan makaraang rumesponde ang mga tauhan ng Phil. Marines na nakarinig ng sunud-sunod na putok. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended