^

Probinsiya

PSN pinakyaw ng gambling lord sa Bicol

-
LEGAZPI CITY – Libu-libong kopya ng Pilipino Star Ngayon ang iniulat na pinakyaw ng gambling lord sa Albay matapos ang tatlong sunod na araw na pag-bubulgar ng dalawang kolumnista sa isyu ng jueteng sa Kabikulan.

Nagsimulang harangin ng mga tauhan ng gambling lord ang delivery trak ng PSN noong madaling-araw ng Linggo para pakyawin ang libong kopya upang hindi na makarating pa sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan partikular na sa Albay.

Nairita naman ang mga mambabasa ng PSN dahil sa walang mabiling kopya sa alinmang tindahan sa Albay dahil sa biniling lahat ang kopya ng itinuturong gambling lord upang hindi na makarating pa sa kaalaman ng taumbayan ang operasyon ng jueteng.

Ang pagkakabulgar ng modus-operandi ng gambling lord na lumabas sa kolum nina Bening Batuigas at Butch Quejada sa tatlong mag-kasunod na raw na isinasangkot din ang mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan, maging ang matataas na opisyal ng kapulisan sa Kabikulan.

Base sa isiniwalat ng mga kolumnista sa isyu ng jueteng, lumalabas na milyong piso ang nakokolekta ng gambling lord at nakapayola ang mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan ng Albay at Kapulisan.

Hindi lamang noong Linggo ng madaling-araw hinarang ang delivery trak ng PSN at pakyawin ang lahat ng kopya; kundi, maging noong Martes at kahapon ay patuloy na pinakyaw ng mg tuhan ng gambling lord ang libu-libong pisi ng nasabing dyaryo.

Maging ang mga nagbebenta ng PSN sa Kabikulan ay nairita sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga mamimili dahil sa walang makuhang pisi.

(Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

BENING BATUIGAS

BUTCH QUEJADA

ED CASULLA

GAMBLING

KABIKULAN

KAPULISAN

LINGGO

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with