Pulis tinodas ng 2 kabaro

ANTIPOLO CITY, Rizal – May posibilidad na droga ang isa sa dahilan kaya binaril at napatay bago itinapon sa bangin ang isang kagawad ng pulisya ng dalawang kabaro nito habang nakaangkas sa motorsiklo sa Barangay San Luis ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si PO1 Carlo Villaroya ng Project 4, Quezon City at nakatalaga sa himpilan ng NCRPO. Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Rodel Semacio, namataan ng ilang residente na kaangkas ang biktima sa motorsiklo na tumigil saka nilapitan ng kanyang kabaro mula sa humintong kasunod na kotseng kulay puti. Hindi nagtagal ay binaril ng nakatalikod ang biktima bago pinagtulungan ng dalawang pulis na itapon sa bangin ang bangkay. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments