^

Probinsiya

4 timbog sa pekeng pera

-
NUEVA ECIJA – Apat na sibilyan ang dinakip ng mga tauhan ng 308th Provincial Mobile Group makaraang makumpiskahan ng mga pekeng pera na pinaniniwalaang ipinapakalat sa Sitio Dalton Pass, Barangay Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa.

Kabilang sa mga suspek na naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina: Elizabeth Pineda, 40, ng Brgy. San Felipe, San Manuel; Gina Magaoay, 36, ng Brgy. Bayaoas, Urdaneta City; Freddie Jainar, 40, ng Brgy. Carmen West, Rosales at David Martin ng Brgy. Bayaoas, Urdaneta City na pawang sakop ng Pangasinan. Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagreklamo ang may-ari ng tindahan sa nabanggit na barangay dahil sa ibinayad ng grupo na pekeng P500 bill. Dito na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya hanggang sa madakip ang mga suspek saka nakumpiskahan ng 84-pirasong P200 at 10-pirasong P500 na pawang peke. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY CAPINTALAN

BAYAOAS

BRGY

CARMEN WEST

CHRISTIAN RYAN STA

DAVID MARTIN

ELIZABETH PINEDA

FREDDIE JAINAR

GINA MAGAOAY

NUEVA ECIJA

URDANETA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with