Suporter ng kandidato itinumba
April 19, 2004 | 12:00am
SAN JOSE, Batangas Isang 40-anyos na suporter ng kandidato sa pagka-alkalde ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay natutulog sa sariling bahay sa Barangay Sto. Cristo kamakalawa ng umaga. Apat na tama ng bala ng baril ang tumama sa katawan ni Eric Lubao at idineklarang patay sa San Jose District Hospital. Sinabi ni P/Senior Inspector Manuel Castillo, hepe ng pulisya sa bayan ng San Jose, na kasalukuyang sinisilip ng kanyang mga tauhan ang anggulong paghihiganti ng nakaalitang grupo maliban sa unang paniniwalang may kaugnayan sa politika ang motibo ng krimen. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, na si Lubao ay masugid na tagasuporta ni mayoralty candidate Jay Perez sa ilalim ng Liberal Party. Itinanggi naman ni San Jose Mayor Ruben Guce na may kinalaman siya sa naganap na krimen at nagsabing e-research muna ang kung ano ang trabaho ng biktima bago siya akusahan. (Ulat ni Arnell Ozaeta)
IMUS, Cavite Binaril at napatay ang isang 14-anyos na high school student ng isang security guard makaraang maaktuhang ninanakaw ng biktima ang aluminum na bubong sa binabantayang kompanya ng suspek sa Barangay Sta Lucia, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa J.P. Rizal Hospital ang biktimang si Nilo Taguba Jr. ng Block 3 Lot 13 Barangay San Dionisio, Dasmariñas, Cavite. Agad na tumakas ng suspek na si Roy Alvarez ng NSD Security Agency matapos na barilin ang biktima dakong alas-3 ng madaling-araw. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
CAMP CRAME Labing-apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang tiktik ng militar makaraang upakan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang natutulog sa tarangkahan ng bahay ng barangay captain sa Barangay Sta. Emelia, Veruela, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi. Nakabulagtang iniwan ng mga rebelde ang biktimang si Ricardo Pepito, 30, ng nabanggit na barangay. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, natiyempuhan ang biktima sa bahay ni Barangay Captain Romeo Talle saka isinagawa ang pamamaslang dakong alas-10:20 ng gabi. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, na ang biktima ay pinagbabantaan na ng mga rebelde dahil sa pagiging tiktik ng militar, subalit binabalewala nito hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
34 minutes ago
Recommended