Tulay pinasabog ng NPA rebels
April 19, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Patuloy na naghahasik ng karahasan ang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) makaraang isa na naman tulay ang pinasabog sa Sitio Dao, Barangay Canares, Batuan, Masbate kamakalawa ng gabi.
Ayon sa pulisya, naitala ang pagpapasabog dakong alas-7:30 ng gabi matapos na taniman ng dinamita ng mga rebelde.
Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya, na bago maganap ang insidente ay namataan ang tatlong hindi kilalang lalaki na may bitbit na bag na pinaniniwalaang pampasabog.
Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap nag pagpapasabog ng naturang tulay na nag-uugnay sa mga residente ng nabanggit na barangay patungo sa bayan ng Poblacion.
Base sa pulisya, patuloy pa rin nadadaanan ng mga residente ang tulay maliban sa mga sasakyan na posibleng bumigay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest