Sa report ni Armys 3rd Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Gabriel Ledesma, dakong alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ng mga sundalo ang nasabing kampo ng mga rebelde subalit bago pa man ang mga ito makalapit sa lugar ay mabilis nang nakatakas ang mga kalaban.
Nabatid na kasalukuyang sinusuyod ng mga elemento ng Armys 16th Special Forces Company (SFC) sa pamumuno ni 1st Lt. Marlon Salvador nang matisod ang nasabing kampo sa liblib at masukal na lugar sa Sitio Bacolod, Brgy. Canla-as, Antiquera, Bohol.
Natagpuan sa lugar ang ilang kubo na maaring pagkasyahan ng 20 hanggang 30 katao.
Magugunita na nito lamang huling bahagi ng Marso ay tatlong kampo ng mga rebeldeng NPA ang nakubkob ng militar na kinabibilangan ng Camp Libjo, Camp Abjog at Camp Andres, pawang sa kagubatan ng bayan ng Butuan ng lalawigan. (Joy Cantos)