Australian national natangayan ng P.2-M sa resort
April 18, 2004 | 12:00am
Camp Pantaleon Garcia, Cavite Sa halip na maging masaya ang pagbabakasyon ay kalungkutan ang naranasan ng isang turistang Australian national matapos itong pagnakawan ng umaabot sa P.2 milyong halaga ng salapi at mga kagamitan sa isang resort sa Kawit ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Dumulog sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang biktimang kinilalang si Peter Mc Linton, 55 anyos, may-asawa at isang turista sa Island Cove Resort sa bayan ng Kawit.
Ayon sa salaysay ng biktima, nadiskubre niyang nawawala ang kanyang mahahalagang kagamitan, pera at alahas na aabot sa P200,000 dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng kaniyang tinutuluyang silid sa nasabing resort.
Nabatid na winasak ng di pa nakilalang mga suspek ang door knob ng kuwarto ng biktima bagay na inireklamo nito sa management ng Island Cove.
Naghihinala naman ang pulisya na inside job ang pangyayari bunga na rin ng kahigpitan ng nasabing resort habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended