Nene naipit ng bakal na pintuan,patay
April 17, 2004 | 12:00am
IMUS, Cavite Hindi na nakahulagpos sa pagkakaipit ng ulo at namatay ang isang 3-anyos na batang babae makaraang hindi mapansin ng biktima ang pagbukas ng pintuan ng pabrika sa Barangay Maduya, Carmona, Cavite kamakalawa ng hapon.
Halos madurog ang bungo ng biktimang si Rachelle Castillo ng Barangay Cabilang Baybay, Carmona, Cavite.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Zacarias Balleber Jr., hindi napansin ng sekyu na si Frederick Lanada na nakasandal ang biktima, kasama ang ina nito sa salaming pintuan dahil sa nakatuon ang paningin sa paparating na trak ng pabrika na paglalagyan ng kargamento.
Kaya nagmamadaling pinindot ng guwardiya ang buton ng pintuang bakal para magbukas.
Sa pagkakataong iyon, ay napaatras ang biktima na hindi namamalayan ng ina kaya naipit ang buhok ng bata hanggang sa tuluy-tuloy na lamunin din ang ulo nito at nagkikisay.
Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso si Lanada para panagutin sa naganap na insidente. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest