Magbibigay ng P.1 milyon pabuya ang pulisya sa sinumang makapagtuturo sa killer ng biktimang si Victoria Mangapit Sturch.
Ayon kay Police Senior Superintendent Isagani Nerez, chief of police ng Baguio, si Sturch na tubong Batac, Ilocos Norte ay binaril sa harapan ng LandBank of the Philippines habang naghihintay ng masasakyan papauwi.
Sinabi pa ni Nerez, na malaki ang posibilidad na ang krimen ay may kaugnayan sa pagiging corporate law professor ng 54-anyos na biktima sa nasabing kolehiyo.
Unang pagtatangka sa buhay ni Sturch ay naganap noong Setyembre 2003 matapos na saksakin ng pitong ulit ang biktima, subalit himalang nakaligtas. ayon pa sa ulat ng pulisya.
Kinondena naman ng Association of Lady Lawyers sa Baguio at Benguet, maging ang Intergrated Bar of the Philippines (IBP) Baguio-Benguet chapter ang pagkakapaslang kay Atty. Sturch.
Kasalukuyang pinagtutulungan na ng mga beteranong imbestigador at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) para agad na maresolba ang kaso. (Ulat ni Artemio Dumlao)