Law professor binaril sa batok
April 15, 2004 | 12:00am
BAGUIO CITY Isang tama ng bala ng baril sa batok ang tumapos sa buhay ng tanyag na law professor mula sa Baguio Colleges Foundation matapos na upakan ng nag-iisang killer habang ang biktima ay naghihintay ng masasakyan sa harap ng bangko sa kahabaan ng Harrison Road sa Baguio City noong Martes ng hapon.
Magbibigay ng P.1 milyon pabuya ang pulisya sa sinumang makapagtuturo sa killer ng biktimang si Victoria Mangapit Sturch.
Ayon kay Police Senior Superintendent Isagani Nerez, chief of police ng Baguio, si Sturch na tubong Batac, Ilocos Norte ay binaril sa harapan ng LandBank of the Philippines habang naghihintay ng masasakyan papauwi.
Sinabi pa ni Nerez, na malaki ang posibilidad na ang krimen ay may kaugnayan sa pagiging corporate law professor ng 54-anyos na biktima sa nasabing kolehiyo.
Unang pagtatangka sa buhay ni Sturch ay naganap noong Setyembre 2003 matapos na saksakin ng pitong ulit ang biktima, subalit himalang nakaligtas. ayon pa sa ulat ng pulisya.
Kinondena naman ng Association of Lady Lawyers sa Baguio at Benguet, maging ang Intergrated Bar of the Philippines (IBP) Baguio-Benguet chapter ang pagkakapaslang kay Atty. Sturch.
Kasalukuyang pinagtutulungan na ng mga beteranong imbestigador at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) para agad na maresolba ang kaso. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended