Lider ng Sayyaf na may patong na P 1 M, nasakote sa Basilan
April 14, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago ng isang lider ng bandidong Abu Sayyaf Group na pinaniniwalaang sangkot sa Dos Palmas kidnapping noong 2001 makaraang masakote ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group 9 sa isinagawang operasyon sa Lamitan, Basilan kamakalawa.
Kinilala ni PNP-CIGD director P/Chierf Supt. Arturo Lomibao, ang nasakoteng lider ng Sayyaf na si Utoh Hapidin, alyas Isnorodin Lagayasan.
Sinabi ni Lomibao, na si Lagayasan ay may patong sa ulong P1 milyon at responsable sa pagdukot sa tatlong Amerikano at mag-asawang misyonaryo na kabilang sa 20-katao sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001.
Base sa ulat, si Lagayasan ay nakorner bandang alas-10 ng umaga sa bahaging sakop ng Lamitan, Basilan makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng CIDG 9 na ang suspek ay nagpapalipat-lipat ng kuta sa Lamitan at Tipu-Tipo na sakop ng Basilan.
Kasalukuyang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang nasakoteng lider ng Sayyaf.
Nagpapatuloy naman ang operayon ng mga awtoridad upang mabitag ang iba pang wanted na kasapi ng bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa kidnap-for-ransom at pambobomba sa ibat ibang bahagi ng Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest