^

Probinsiya

Illegal recruiter timbog

-
TARLAC CITY – Isa sa tatlong illegal recruiter na pinaniniwalaang bumiktima ng labinlimang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Brunei ang nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon. Ang pagkakadakip kay Ernesto Yarcia ng Barangay Burgos, Moncada, Tarlac ay bunsod ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Cesar M. Sotero ng Panique, Tarlac Regional Trial Court Branch 67. Humingi na ng tulong ang mga biktima sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration upang madakip ang dalawa pang suspek na sina: Zenaida Bartolome Tessie dela Peña na kapwa nasa Brunei. Napag-alaman pa sa ulat na hiningan ng P65,000 hanggang P120,000 ang mga biktima kapalit ng trabaho sa Brunei, ngunit umabot na ng tatlong buwan ay walang maibigay na mapapasukan sa naturang bansa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BARANGAY BURGOS

BRUNEI

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ERNESTO YARCIA

JUDGE CESAR M

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

TARLAC REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ZENAIDA BARTOLOME TESSIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with