Bagets dinedo ng 2 adik

LUCENA CITY – Napagtripang gilitan sa leeg hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na tinedyer ng dalawang adik sa droga habang ang biktima ay naliligo sa beach resort kasama ang nobya noong Linggo ng umaga sa Barangay Talao-talao, Lucena City, Quezon. Animo’y manok na nagkikisay ang biktimang si Jeffrey Paglinawan ng Purok 1-A, Barangay Dalahican, samantalang ang mga suspek na agad namang tumakas ay nakilalang sina: Ronald Navela at isang alyas Gasper. Base sa imbestigasyon ni SPO1 Renato Pelobello, naitala ang krimen dakong alas-10:10 ng umaga habang naliligo ang biktima sa Florida Beach Resort. Nilapitan ng mga suspek na adik ang biktima at inilublob sa tubig-dagat. Hindi pa nasiyahan ang mga suspek at ginilitan pa ang biktima sa harap mismo ng kasintahang si Liberty. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments