3 dayuhan dinukot ng Sayyaf

ZAMBOANGA CITY – Tatlong dayuhan ang hinostage at dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang bandidong Abu Sayyaf makaraang harangin ang sinasakyang fishing boat ng mga biktima sa karagatang sakop ng Lingkian Island malapit sa isla ng Taganak. Base sa pahapyaw na ulat na ipinadala ng mga awtoridad mula sa Malaysia, hinarang ng mga armadong lalaki ang bangka ng mga biktimang sina: Umbong Arquizan Walterpo, Wong Shen Wong at Pao Shen Chong sa naturang karagatan. Sinabi naman ni Capt. Feliciano Angue, chief of the anti-terror Naval Task Force 62. Wala pang malinaw na ulat kung saan dinala ang mga biktima dahil patuloy na sinusuyod ng mga awtoridad ang karagatang sakop ng mga islang malapit sa Taganak. (Ulat ni Roel D. Pareño)

Show comments