^

Probinsiya

DENR director,5 pa patay sa vehicular accident

-
Anim katao ang nasawi kabilang ang Director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang mahigit 30 pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na vehicular accident sa madugong paggunita sa Huwebes Santo sa lalawigan ng Camarines Sur at Nueva Ecija.

Batay sa report, bandang alas-7:55 ng umaga nang magbanggaan sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Plansa, San Fernando, Camarines Sur ang isang Honda CRV na may plakang WLB-374 na minamaneho ni Alberto Angeles ng Pasig City, isang Isuzu truck na may plaka namang NRZ-915 ni Jose Salcedo ng Iriga City, isang pampasaherong Raymund Bus na may plakang EVL-993 na minamaneho naman ni Wilson Mayo ng Lopez, Quezon na sumalpok sa isang Volkswagen na may plaka namang UCR-667 na minamaneho naman ng nasawing Director ng DENR kasama ang nasugatang mga anak nito.

Nakilala ang nasawi na si Joseph Lita, 41, may -asawa, Director III ng DENR at residente ng 14-E Makadios St., Proj. 2, Quezon City.

Ang mga nasugatan na isinugod naman sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod ng Naga ay nakilala namang sina Sarah Jane Lita, 15, dalaga; Melvin Canpillan, 24; Jonel Kordas, 22; Ruth Malonda, 40; Angelique Angeles, 13; John Andrew Malonda, 10; Abegail Angeles, 2-1/2 anyos; Salvador Cuachin, 50; Eduardo Cuachin, 41; Donesio Cuachin, 28; Jason Lita at isang Hannah Lita, 1 anyos; Romulo Moran, 60; at Don Jose Lucena, 26, binata; pawang ng Metro Manila at nagbabakasyon lang sa Bicol dahil sa Semana Santa. Lumilitaw sa imbestigasyon na pawang matulin ang takbo ng nagsalpukang mga behikulo.

Sa Nueva Ecija, lima naman ang nasawi at 22 pa ang nasugatan matapos na aksidenteng mahulog sa 200 talampakang bangin ang isang pampasaherong bus sa kahabaan ng matarik na bahagi ng Maharlika highway, Brgy. Capintalan, Nueva Ecija dakong alas-11:45 ng gabi nitong Huwebes Santo.

Kabilang sa mga nasawi ay ang driver ng bus na si Rey Carbonel ng Roxas, Isabela at mga pasaherong sina Maricel Antonio, 35; Marilyn Cauillan, 45; Herminia Gundran, 52; at isa pang pasahero na inaalam pa ang pagkakakilanlan. Mabilis namang isinugod sa Dr. Paulino Garcia Hospital sa Cabanatuan City ang 22 kataong nasugatan para malapatan ng lunas.

Ayon sa imbestigasyon galing sa San Mateo, Isabela ang Nelbusco aircon bus na may plakang BVF -795 at may body number 1636 nang mawalan ng preno ang bus at tuluy-tuloy na mahulog sa bangin.(Ulat nina Ed Casulla at Christian Ryan Sta. Ana)

ABEGAIL ANGELES

ALBERTO ANGELES

ANGELIQUE ANGELES

BRGY

CABANATUAN CITY

CAMARINES SUR

CHRISTIAN RYAN STA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

HUWEBES SANTO

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with