Kargamento hinaydyak sa Batangas
April 8, 2004 | 12:00am
Aabot sa P150,000 kargamento ang iniulat na hinaydyak ng mga hindi kilalang armadong lalaki sa kahabaan ng Barangay Sto. Cristo, San Jose, Batangas kamakalawa. Ayon sa pulisya, natagpuan naman ang trak (UCV-286) na hinaydyak pero wala na ang kargamento.
Napag-alaman din sa ulat ng pulisya na natagpuan namang buhay ang itinapong drayber at pahinante ng trak na sina: Renato Gonzalvo, 39, drayber ng trak; Edgar Cantoria, 24; Jovert Amorado,22; Carlito Gomez, 25; at Rommel Salazar na siyang nag-ulat sa himpilan ang pulisya tungkol sa naganap na krimen. Napag-alaman pa sa ulat, na ang mga biktima ay itinapon sa liblib na bahagi ng Sitio Taguyan, Barangay Wawa, Tanauan City, Batangas. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest