Misis todas sa holdaper

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 32-anyos na misis na nagbebenta ng produktong Cespachem ang iniulat na napatay makaraang saksakin nang manlaban sa holdaper sa Barangay Hamoraon, Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Mabel Alcantara ng Barangay Sta. Cruz, Naga City ay nanlaban sa holdaper kaya napaslang. Hindi naman inabutan ng mga nagrespondeng pulis ang suspek na si Willy Elcano dahil sa mabilis na tumakas matapos na isagawa ng krimen dakong alas-2:30 ng hapon. May teorya ang pulisya, na namataan ng suspek na may dalang malaking halaga ang biktima kaya sinundan ito hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments