3 NPA rebels patay sa mga pulis
April 7, 2004 | 12:00am
TIAONG, Quezon Tatlong miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang namatay matapos na makipagbarilan sa mga elemento ng pulisya na nagsasagawa ng security combat operation sa Sitio Mabato, Barangay Ayusan ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Kasalukuyan pang kinikilala ni P/Supt. Ricardo Villanueva, 415th PPMG, ang mga napatay na NPA na ayon sa ulat, isa rito ay isang bata at ang mga labi nila ay kasalukuyang nasa isang Funeraria sa bayang ito.
Binanggit sa ulat, na dakong alas-3 hanggang alas-4 ng madaling-araw ay nagsasagawa ng security combat operation ang mga tauhan ni Supt. Villanueva sa magubat na lugar nang mamataan ang mga rebelde na nagkakanlong sa isang kubo.
Agad umanong nagpaputok ng kanilang mga baril ang mga NPA hanggang sa gumanti na rin ang mga kagawad ng pulisya at doon ay napatay ang tatlong rebelde.
Nang malagasan ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa magubat na bahagi ng barangay at iniwan ang kanilang tatlong kasamahan na napatay.
Narecover ng pulisya buhat sa lugar ng shootout ang kalibre .45, M16 armalite rifle at dalawang lalagyan ng mga bala ng M14 at M16. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended