^

Probinsiya

Kandidato sa pagka-mayor sa Parañaque,pinatay sa Davao

-
CAMP AGUINALDO – Pinahirapan muna bago tuluyang pinatay ang isang kandidatong alkalde sa Parañaque City ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nagbabakasyon sa Davao del Sur kamakalawa.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Ricardo V. Villaflor, 50, sa bisinidad ng Barangay Astorga, Sta. Cruz, Davao del Sur dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa.

Si Villaflor na residente ng 4905 Gladiola St., Miramar Village, Sun Valley, Parañaque City ay nagsumite ng certificate of candidacy noong Enero 5, 2004 sa ilalim ng partido Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Base sa ulat na nakarating kahapon sa opisina ni Army chief Lt. Gen. Afren Abu, ang bangkay ay narekober ng mga tauhan ng Army’s 25th Infantry Battalion na may tama ng bala ng baril sa ulo at may palatandaang tinorture muna bago pinatay.

Ayon pa sa ulat, ang pagkakadiskubre sa bangkay ni Villaflor ay iniulat ng isang barangay tanod na si Boy Seguera kay Lt. Col. Henrando Iriberri, kumander ng Army’s 25 th IB.

Agad naman nagsagawa nang imbestigasyon ang himpilan ng pulisya sa Sta. Cruz at naberipikang si Villaflor nga ang natagpuang bangkay na napaulat na nagbabakasyon lang sa naturang lugar ngayong Semana Santa.

Naniniwala naman ang pulisya na malalim ang motibo kaya pinaslang ang biktima at posibleng may kinalaman sa kandidatura nito sa darating na halalan dahil hindi naman ginalaw ang P50,000 cash at 3315 cellpone na dala ni Villaflor.(Ulat ni Joy Cantos)

AFREN ABU

BARANGAY ASTORGA

BOY SEGUERA

CRUZ

DAVAO

GLADIOLA ST.

HENRANDO IRIBERRI

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

VILLAFLOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with