^

Probinsiya

Killer ng mayoralty candidate sumuko

-
CAMP CRAME – Matapos ang mahigit isang buwang pagtatago, sumuko kahapon sa awtoridad ang itinuturong isa sa mga killer ng isang mayoralty candidate at isa pang katao na pinaslang sa Oriental Mindoro noong nakaraang Pebrero.

Ang suspek na si Reynante Antenor ay sinamahan ng kanyang abogadong si Atty. Edwin Sulit na sumuko kay Sto. Tomas, Batangas Mayor Armand Sanchez.

Base sa ulat, dakong alas-8 ng umaga kahapon nang pormal na magtungo sa tanggapan ng nasabing alkalde si Antenor para sumuko.

Si Antenor na 2nd degree na pamangkin ni Batangas City Mayor Eduardo Dimacuha ay itinuturong isa sa mga killer ni Nauajan, Oriental Mindoro Vice Mayor Juvy Magsino na kumakandidatong alkalde sa kanilang bayan at kasama nitong si Leyma Fortun.

Gayunman, sa pamamagitan ng kanyang abogado ay itinanggi ng suspek ang krimen.

Magugunita na si Atty. Magsino ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan noong nakalipas na Pebrero 13 ng taong ito sa bayan ng Naujan kung saan ay nadamay lamang sa insidente si Fortun.

Samantala, lumilitaw sa imbestigasyon na pulitika ang pangunahing motibo ng pamamaslang sa biktima.

Bunga ng nangyaring pamamaslang ay isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) na hot spot ang Naujan, Oriental Mindoro kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng Mayo 10 national at local elections sa bansa.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis laban sa iba pang killer ng nasabing mayoralty candidate. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BATANGAS CITY MAYOR EDUARDO DIMACUHA

BATANGAS MAYOR ARMAND SANCHEZ

ED AMOROSO

EDWIN SULIT

JOY CANTOS

LEYMA FORTUN

NAUJAN

ORIENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO VICE MAYOR JUVY MAGSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with