^

Probinsiya

Bus vs FX: 5 patay, 7 grabe

-
LAGUNA – Limang sibilyan ang kinalawit agad ni kamatayan habang pito naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang pampasaherong aircon bus at Tamaraw FX-taxi sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Tulo, Calamba, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa namatay ay nakilalang sina Feliciana Marasigan, 70; Guillermo Marasigan, 71, pawang mga balikbayan; Devine Sepe, 72; Minerva Villanueva, 49; at Francie Dela Cruz na pawang residente ng Project 6, Quezon City.

Ginagamot naman sa Calamba Medical Center at Calamba Doctors Hospital sina Adrian Marasigan, 2; Arlan Marasigan, 31; Bayani Marasigan, 53; Oliver Marasigan, 31; Miriam Marasigan, 31; Joy Claro, 45; at ang drayber ng taxi na si Roel Delgado, 33.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO4 Feliciano Masongsong na naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon.

Ayon pa sa ulat, nag-overtake ang Tritan Bus (DVW-584) na minamaneho ni Jay Cabangan sa kasunod na sasakyan, ngunit nakasalubong nito ang Tamaraw FX-taxi na may plakang PXW-458 kaya naganap ang malagim na trahedya.

Agad namang tumakas ng drayber at konduktor na si Allan Apolinar na ngayon ay tinutugis ng pulisya. Wala namang iniulat na nasaktan sa mga pasahero ng nasabing bus.

Kasunod nito, nangako naman ang pamunuan ng Tritan Bus Liner na tutulungan nila ang mga biktima ng sakuna.(Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

ADRIAN MARASIGAN

ALLAN APOLINAR

ARLAN MARASIGAN

ARNELL OZAETA

BARANGAY TULO

BAYANI MARASIGAN

CALAMBA DOCTORS HOSPITAL

CALAMBA MEDICAL CENTER

DEVINE SEPE

ED AMOROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with