Ito ang mariing sinambit ni Bangon Pilipinas standard-bearer Bro. Eddie Villanueva sa kanyang talumpati sa libu-libong residente ng Angeles, Pampanga na nakilahok sa campaign rally noong Biyernes.
Nag-ugat ang nasabing pahayag ni Bro. Eddie, matapos na palayain ng pamahalaang Arroyo ang 31 sa 310 political prisoner na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal.
"Pagpapakulong sa mga tao na ang naging basehan ay paniniwalang pulitika ay hindi makatarungan sa panig ng nakulong partikular na sa kanilang pamilya at kaibigan." ani Villanueva.
Ayon pa kay Bro. Eddie, ang pagpapalaya sa 31 political prisoners ay bahagi ng mabuting pakikipagkapwa-tao ng pamahalaang Arroyo para ipagpatuloy ang peace talks sa National Democratic Front (NDF).
"Matagal na akong tagatangkilik sa pagpapalaya ng mga political prisoner, dahil ayokong maging biktima ng walang katarungan." dagdag pa ni Villanueva.
Nangako naman si Bro Eddie na kapag siya ay nahalal bilang Pangulo ng bansa ay ipagpapatuloy niya ang negosasyon tungo sa kapayapaan, ngunit kinakailangan iprisinta ng National Democratic Front (NDF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mahahalagang pangunahing pangangailan ng kanilang grupo para agad na matugunan ng pamahalaan.