^

Probinsiya

P1-M kargamento hinaydyak sa Bulacan

-
BULACAN – Tinatayang aabot sa P1 milyong kargamento na lulan ng trak ang iniulat na hinaydyak ng pitong hindi kilalang kalalakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Tarcan, Baliuag, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang lulan nang hinaydyak na trak (FXY-549) ay sina: Doena Eran, 32, drayber; Miguel Cordeta, 26; Felipe Federiche, 30; at Sotico Ledesma, 21 na pawang residente ng 131 Banay-banay, Cabuyao, Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw matapos na harangin ang trak ng mga armadong kalalakihang sakay ng Mitsubishi L300 van na walang plaka.

Napag-alaman pa sa ulat, na nagmula ang trak sa bayan ng Cabuyao, Laguna at ihahatid sana ang mga kargamentong sabon at kosmetik sa bayan ng Santiago, Isabela nang harangin ng mga hijacker.

Ayon pa sa pulisya, ang mga biktima ay ibinaba sa bahagi ng Barangay Paliqui, Candaba, Pampanga kaya nakahinggi ng tulong sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BALIUAG

BARANGAY PALIQUI

BARANGAY TARCAN

CABUYAO

DOENA ERAN

EFREN ALCANTARA

FELIPE FEDERICHE

MIGUEL CORDETA

SOTICO LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with