Pulis todas sa checkpoint ng NPA rebels
April 5, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Sabog ang bungo ng isang pulis makaraang maharang sa inilatag na checkpoint ng mga rebeldeng NPA na nanlimas ng mga pera, pagkain at personal na kagamitan ng mga hinaharang na motorista sa highway na sakop ng Bacuag, Surigao del Norte kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima na si SPO2 Allan Leva Ibon, miyembro ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office (PPO).
Batay sa ulat, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng national highway ng Sitio Hinatigan, Brgy. Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte, dakong alas-10:30 ng umaga, matapos na maglatag ng illegal na checkpoint ang mga rebelde.
Ang biktima na nooy kasama ni ex-Mayor Danilo Orquina ay kasalukuyang ulan ng kulay pulang Toyota nang harangin ng mga rebelde.
Nang mabatid na isa palang pulis si Ibon dahil sa identification card nito ay tinutukan ito ng baril at kinaladkad palabas sa nasabing sasakyan saka pinatahimik.
Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng pinagsanib na elemento ng 23rd Infantry Battalion (IB), 401st Brigade at 4th Infantry Division (ID) ng Phil. Army, kasama ang puwersa ng Bacuag Municipal Police Station (MPS) ang grupo ng mga rebelde na mabilis na nagsitakas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest