^

Probinsiya

Convoy ni Congw. Sato inambush

-
CAMP CRAME Sa ikalawang pagkakataon ay nakaligtas sa pagtatangka sa kanyang buhay si Occidental Mindoro Josephine Ramirez-Sato makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang convoy nito habang bumabagtas sa kahabaan ng highway ng Brgy. Malisbong, Sablayan, Occidental Mindoro kahapo ng umaga.

Ayon kay AFP-Public Information Office Lt. Col. Daniel Lucero, naitala ang pananambang sa grupo ni Ramirez-Sato dakong alas-2:30 ng hapon nitong Huwebes.

Si Sato ay kumakandidatong gobernador sa nasabing lalawigan na ngayo’y mainit na target ng "liquidation plot". Wala namang naiulat na nasugatan sa grupo ni Sato sa nangyaring ambush.

Ayon kay 204th Infantry Brigade Commander Col. Fernando Mesa, ang grupo ni Sato ay patungo sa bayan ng San Jose nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.

Mabilis namang nagsiatras ang mga armadong kalalakihan matapos na sagupain ang mga ito ng mga elemento ng Phil. Army at Philippine National Police (PNP) na nagresponde sa narinig na putukan.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang mainit na labanan sa pulitika sa gitna ng ikalawang pagtatangka sa buhay ng Kongresista.

Magugunita na nitong nakalipas na Marso 3 ay tinambangan na rin ng mga armadong kalalakihan ang convoy ni Sato na ikinasugat ng opisyal kasama si Provincial Board Randy Ignacio at tatlong security escorts na sina SPO1 Vic Sagun, PO1 Larry Hilario at PO1 Niel Layona. Inako ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang unang ambush kay Sato. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

DANIEL LUCERO

FERNANDO MESA

INFANTRY BRIGADE COMMANDER COL

JOY CANTOS

LARRY HILARIO

NEW PEOPLE

NIEL LAYONA

SATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with