Pugante nasakote ng pulisya
April 1, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY Isa sa apat na preso na pumuga sa Talipan District Jail noong Marso 11, 2004 ang iniulat na nasakote ng pulisya habang nagpapahinga sa bahay ng kaanak nito sa Barangay Dalahican sa lungsod na ito kamakalawa ang hapon. Nakipagbarilan pa sa mga kagawad ng pulisya ang puganteng si Rolando Ramos, alyas Lando, 49, may kasong murder at residente ng bayan ng Pagbilao, Quezon. Base sa imbestigasyon, may nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nagtatago ang pugante sa nabanggit na barangay kaya mabilis naman nagsagawa ng dragnet operation hanggang sa masakote si Ramos. (Ulat ni Celine Tutor)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended