^

Probinsiya

Campaign coordinator ng vice mayor itinumba

-
GUAGUA, Pampanga – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang campaign coordinator ng kasalukuyang vice-mayor ng Guagua, Pampanga ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan habang ito ay nangangampanya sa nabanggit na bayan kahapon ng tanghali.

Sa nakarating na ulat kay Police Regional Office-3 (PRO-3) Director Chief Supt. Vidal Querol, kinilala ang biktima na si Emy Capati, 41, residente ng Barangay San Nicolas, Guagua, Pampanga.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng tanghali habang nangangampanya sa plaza ang biktima bilang campaign coordinator ni Guagua Vice Mayor Emilio Capati nang biglang lapitan ng tatlong hindi kilalang kalalakihan at agad na pinaulanan ng bala.

Napag-alaman pa na ang mister ng biktima na si Nestor Manlulu ay dating rebeldeng NPA at umano’y jueteng table manager ay pinagbabaril din hanggang sa mapatay ng mga armadong lalaki sa Angeles City noong nakaraang taon habang ang biktima ay papauwi.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng follow-up operation ang pinagsanib na puwersa ng Guagua at Pampanga Provincial Police Office (PPPO) upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek kasabay ang masusing imbestigasyon kung ano ang naging motibo sa naganap na pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANGELES CITY

BARANGAY SAN NICOLAS

DIRECTOR CHIEF SUPT

EMY CAPATI

GUAGUA

GUAGUA VICE MAYOR EMILIO CAPATI

JEFF TOMBADO

NESTOR MANLULU

PAMPANGA

PAMPANGA PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with