4 tulak hinatulan ng habambuhay
March 31, 2004 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Apat na sibilyan ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo makaraang mapatunayang nagpapakalat ng droga sa isinagawang buy-bust operation noong Pebrero 2002 sa Balagtas, Bulacan. Sa 23-pahinang desisyon ni Judge Gregorio Sampaga ng Regional Trial Court Branch 78, pinatawan ng habambuhay ang mga akusadong sina Eusebio Quebral, asawang si Zenaida, Michael Salvador at Fernando Lopez.
Base sa record ng korte, ang mga akusado ay nakumpiskahan ng 30 gramo na shabu na ibinenta sa pulis na nagpanggap na poseur buyer. Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad rin ang mga akusado ng P5 milyon bilang multa sa nagawang krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest