8 miyembro ng liquidation squad arestado
March 31, 2004 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Naaresto ng pulisya ang walong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng liquidation squad syndicate na nag-o-operate sa nasabing bayan na target ay mga pulitikong kumakandidato sa eleksyon sa Barangay Geronimo ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Dominador Penid, hepe ng Rodriguez police ang isa sa mga suspek na si Jimmy Manuel, 41, ng J. Ramos St. Brgy. Geronimo ng bayang ito, miyembro ng kilabot na Pundato Robbery Gang at nag-o-organisa ng upahang grupo para pumatay ng mga kandidatong tatakbo sa darating na eleksyon.
Bukod kay Manuel, naaresto rin ang pito pang mga suspek na nakilalang sina Romeo Betiz, 29; Marvin Rodriguez, 29; Alvin Arci, 25; Jobert Oliver, 21; Raul Cortez, 31; Danilo Raga, 44 at Marlon Doktor, 24, pawang mga residente ng nasabing bayan.
Base sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa isang concerned citizen tungkol sa mga armadong grupo na umaaligid sa kahabaan ng J. Ramos St. Brgy. Geronimo ng nasabing bayan.
Agad namang rumesponde ang pulisya sa pangunguna ni Penid at tinungo ang nasabing lugar, nang makita naman ng mga suspek ang mga pulis ay agad na nagtakbuhan papasok ng bahay ni Manuel, subalit agad na pinalibutan ng pulisya ang nasabing bahay kaya napilitang sumuko ang grupo ni Manuel.
Nakuha sa mga suspek ang ibat ibang klase ng baril, mga bala nito at ibat ibang klase ng patalim. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended