^

Probinsiya

Barangay chairman kinidnap ng NPA rebels

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang barangay chairman ang kinidnap ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakikipag-usap sa kanyang mga kabarangay sa loob ng sariling bahay sa Barangay Banga, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Nestor Broquiza, 42 ay dinala ng mga rebelde sa pamumuno ni Romulo Balcueva, alyas Ka Benjie sa direksyon ng Barangay Tamban, Tinambac, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga nakasaksi sa insidente, kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa kanyang mga kabarangay sa loob ng sariling bahay nang pumasok ang mga rebelde.

Wala naman nagawa ang mga kabarangay ng biktima dahil na rin sa armado ng malalakas na kalibre ng baril ang mga rebelde.

Agad na kinaladkad ang biktima papalayo sa kanyang bahay habang nakamasid lamang ang mga kapitbahay nito.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na pinagkamalang tiktik ng militar at pulisya ang biktima kaya dinukot ng mga rebeleng NPA. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY BANGA

BARANGAY TAMBAN

CAMARINES SUR

ED CASULLA

KA BENJIE

LEGAZPI CITY

NESTOR BROQUIZA

NEW PEOPLE

ROMULO BALCUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with