Engineer inupakan ng NPA
March 30, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang inhinyero makaraang upakan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nakaupo sa nakaparadang multicab sa Barangay Binohan, Bais City, Negros Oriental kamakalawa.
Idineklarang patay sa Bais City District Hospital ang biktimang si Emilio Burgos, 57 at nanunuluyan sa Universal Rovina Sugar Milling Corp. sa Barangay Tamiso, Bais City.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang ang biktima ay nakaupo sa loob ng sariling Isuzu multicab na nakaparada sa naturang lugar.
May teorya ang pulisya na hindi namalayan ng biktima ang paglapit ng mga rebelde sa kinauupuang sasakyan at bago pa makahulagpos ay sunud-sunod ang kumawalang putok.
May posibilidad na may kinalaman sa pagtanggi ng biktima na magbayad ng revolutionary tax sa mga rebelde ang kasalukuyang sinisilip ng mga imbestigador. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended