Onsehan sa droga: 2 patay

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nagpapakalat ng ipinagbabawal na droga ang pinagsasaksak at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang kasamahan matapos na magkaonsehan kamakalawa ng gabi sa Barangay San Nicolas 2, Dasmariñas, Cavite.

Idineklarang patay sa J.P. Rizal Hospital ang mga biktimang sina Mario Loraya, 35 at Rogie Garcia, 29 na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Agad naman tumakas ng mga suspek na sina Romy Santos, alyas Onggie at isang nakilala sa alyas na Waray.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jo Patambang, naitala ang krimen dakong alas-8 ng gabi matapos na magtalo at hindi nagkasundo sa presyong bilihan ng ipinagbabawal na droga ang mga biktima at suspek.

May teorya ang pulisya na onsehan sa droga ang pangunahing motibo sa naganap na pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments