^

Probinsiya

‘Tiktik’ dinukot at pinatay ng NPA

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – May posibilidad na inakalang tiktik ng militar at pulisya kaya dinukot at pinatay ang isang magsasaka ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Bagtik, Barangay Buyo, Claveria, Masbate kamakalawa ng gabi. Nirapido ang buong katawan ng biktimang si Sano Malinao matapos na kaladkarin papalabas ng kanilang bahay ng anim na rebelde dakong alas-6 ng gabi. Napag-alaman na naghahanda ng hapunan ang biktima sa sariling bahay nang pumasok ang mga rebelde at hatakin palabas ang binata. Itinanggi naman ng mga kaanak na tiktik ng militar at pulisya ang biktima. (Ulat ni Ed Casulla)
Makulit Na Senglot Dinedo
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dahil sa kakulitan sa inuman ay inundayan ng tatlong saksak ng patalim hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na mister ng kainuman ng alak makaraang manggulo ang biktima kamakalawa ng gabi sa Barangay Punta 2, Tanza, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Celso Cadao ng Carissa Homes Subdivision ng nabanggit na barangay. Tinutugis naman ang suspek na si Estrelino Estrella na agad na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong alas-6:30 ng gabi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
Negosyanteng Misis Kinidnap
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Sa hindi nabatid na dahilan ay dinukot ang isang negosyanteng babae ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima kasama ang sariling mister ay nakamotorsiklo sa kahabaan ng highway na sakop ng Sitio Tubo, Barangay San Pedro, Cataingan, Masbate kahapon ng umaga. Wala pang ulat ang pulisya kung saan dinala ang biktimang si Deolita Sabayton, 31, gold scrap buyer at residente ng Barangay Labangon, Cebu City. Napag-alaman na nakamotorsiklo ang mag-asawang Sabayton patungo sa Barangay Mactan Uson para mamili ng ginto nang harangin ng mga kidnaper sa nasabing lugar. Ayon sa pulisya, hindi naman kasama sa dinukot ang mister na si Arnel Sabayton sa hindi maipaliwanag na dahilan. (Ulat ni Ed Casulla)
4 Iligal Na Magtotroso Tiklo
NUEVA ECIJA – Apat na iligal na magtotroso ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang makumpiskahan ng 69 pirasong kahoy na lulan ng trak sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Del Pilar, Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Huwebes ng hapon. Kabilang sa kinasuhan ni P/Supt. Peter Guibong, hepe ng Sta. Rosa PNP sina Eddie Bulacan, Hernando Gonzales, Jose Gonzales at Ronnie Manucdoc na pawang residente ng Rio Chico, General Tinio, Nueva Ecija. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng trak na may plakang WNL-411 ang kontrabando na nagkakahalaga ng P147, 826 nang masabat ng mga awtoridad. (Ulat ni nChristian Ryan Sta. Ana)

ARNEL SABAYTON

BARANGAY

BARANGAY BUYO

BARANGAY DEL PILAR

BARANGAY LABANGON

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

NUEVA ECIJA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with