2 'tulak' dedo sa shootout
March 29, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Napaslang sa barilan ang dalawang notoryus na tulak ng droga makaraang manlaban sa pinagsanib na puwersa ng Phil. Marines at pulisya sa isinagawang raid sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni Phil. Navy Spokesman Capt. Geronimo Malabanan ang mga napatay na drug pusher na sina Wahab Pilais at Tingtingan Ladturan.
Pinaghahanap naman ang dalawang nakatakas na kinilalang sina Abubakar Batalias at Abdullah Pasandalan.
Batay sa ulat, pasado alas-9 ng umaga nang salakayin ng pingsanib na elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 2 at 120th Mobile Group ng Pikit Police Station ang kuta ng mga suspek sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato.
Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Charito Untal de Guzman ng 4th Municipal Trial Court ng bayan ng Pikit laban sa apat na notoryus na tulak na itinuturong responsable sa talamak na pagpapakalat ng illegal na droga sa nasabing lugar.
Gayunman sa halip na sumuko ay nanlaban pa ang dalawa sa mga suspek na nauwi sa mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Narekober sa lugar ang cal 9 MM pistol na may tatlong magazine, M16 rifle na may 50 rounds ng bala, karagdagan pang 138 rounds ng bala, homemade pistol type gauge 20, .38 caliber revolver na may dalawang bala, 8 sachet ng shabu at sari-saring uri ng drug paraphernalia.
Sinabi ni Malabanan na ang operasyon ay bahagi ng determinadong pakikiisa ng pamunuan ng Phil. Navy sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am