2 salvage victims natagpuan sa Cavite
March 28, 2004 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Pinaniniwalaan ng pulisya na ang dalawang kalalakihan na natagpuang patay sa baybaying dagat ng Cavite City ay pawang biktima ng salvage dahil sa tama ng bala ng baril sa mga ulo nito.
Ang mga biktima ay natagpuan sa baybaying dagat ng Manila Bay na nasasakupan ng 15th Strike Wings Sangley Point, Cavite City.
Ganap na alas-11:30 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ng mga Naval Special Warfare Group (NSWG) dito ang nasabing bangkay.
Kapwa hubot hubad ang mga ito na pawang nasa edad na 30-40, may taas na 55" at 57", pawang binalutan ng masking tape ang mga bibig, paat kamay ng mga ito.
May nakatali ring malalaking tipak ng bato sa tiyan ng mga ito na ikinabit upang lumubog sa dagat.
Ang mga bangkay ay tadtad ng tattoo ang mga katawan na halatang dumanas ng matinding hirap bago ito pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended