Birthday boy lunod sa pool
March 28, 2004 | 12:00am
Antipolo City Dahil sa sobrang kalasingan, isang lalaki ang nalunod matapos na maaksidenteng mahulog sa swimming pool habang natutulog kung saan idinaos ang kanyang kaarawan sa isang resort sa barangay San Isidro ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Unciano Medical Center ang biktimang si Frank Niala, 20 anyos, binata, residente ng Matadero St., Binondo, Maynila.
Batay sa ulat ng pulisya, nagtungo ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa Suvas Place Resort na matatagpuan sa Plaza dela Virgen ng nasabing lugar para ipagdiwang ang kanyang ika-20 kaaarawan.
Sa nasabing okasyon ay nagkaroon ng inuman hanggang sa malasing ang biktima at tumayo sa umpukan at nagpaalam na pupunta lang sandali sa pool.
Nakita pa umano ng ilang kaibigan na nakahiga sa gilid ng pool na may lalim na 10 talampakan.
Dakong alas-11 ng gabi habang naglilibot ang lifeguard ng resort na si Richie Carado ay napansin nito ang biktima na nakalutang na sa pool at tila hindi na gumagalaw.
Nagmamadaling tinawag nito ang mga kaibigan ng biktima at agad na isinugod sa nasabing pagamutan.
Sa teorya ng pulisya, posibleng umanong nahulog sa pool ang biktima habang natutulog at sa sobrang kalasingan ay hindi na nito magawang makalangoy.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya at sinisilip kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Edwin Balasa)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended