^

Probinsiya

Lalaki nanlaban sa 2 karnaper,pinatay sa harap ng nobya

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite — Pinagpalit ng isang lalaki ang kanyang buhay sa motorsiklo matapos na barilin ng dalawang karnaper sa harap ng kanyang nobya nang manlaban ito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sahod Ulan, Tanza, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Tanza Family Hospital ang biktima na si Ryan Balinton, 23 anyos, binata, empleyado ng Export Processing Zone Authority (EPZA) at residente ng Brgy.Hulugan ng bayang nabanggit.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:15 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang kulay asul na Honda angkas ang kanyang kasintahan na si Rhea Maranan.

Habang binabagtas nito ang nasabing lugar ay nasalubong ng mga ito ang dalawang suspek na naka-motorsiklo na walang plaka.

Lingid sa kaalaman ng biktima na sila ay sinundan ng mga suspek, kaya nang huminto silang magkasintahan sa Villa Juanita ay agad ring bumaba ang mga suspek at sila ay tinutukan ng baril.

Nang sapilitang kunin ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima ay nanlaban ito at ayaw bitawan ang kanyang motorsiklo.

Kaya’t sa inis umano ng mga suspek, isa dito ay bumunot ng baril at binaril sa tiyan ang biktima kaharap ang natulalang nobya.

Nang bumagsak ang biktima ay agad na tinangay ang motorsiklo ng mga hindi pa nakikilalang salarin. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BRGY

CAVITE

CRISTINA G

EXPORT PROCESSING ZONE AUTHORITY

NANG

RHEA MARANAN

RYAN BALINTON

SAHOD ULAN

TANZA FAMILY HOSPITAL

VILLA JUANITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with