Barangay kagawad itinumba
March 26, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 42-anyos na barangay kagawad ng dalawang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa sariling bahay ng biktima sa Barangay Madao Uson, Masbate kahapon ng umaga.
Sampung bala ng kalibre .45 baril ang tumapos sa buhay ni Danilo Mijares matapos na upakan ng dalawang nakamotorsiklo sa loob ng sariling bahay sa nabanggit na barangay. Wala pang malinaw na motibo ang kasalukuyang lumilitaw dahil sa patuloy na nangangalap ng impormasyon ang mga imbestigador. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest