5 hijacker patay sa shootout
March 26, 2004 | 12:00am
BULACAN Limang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng grupong manghaharang sa daan ang iniulat na napatay sa pakikipagbarilan sa mga kagawad ng pulis-Bulacan sa itinayong checkpoint sa Barangay Pungo, Calumpit, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Dalawa sa limang napatay na tulisan ay nakilalang sina Jeffrey de Lumen ng Barangay Obrero, Manugit, Maynila at Roberto Manzano, barangay kagawad ng Zone 123, Caloocan City, samanatalang ang tatlo ng iba ay bineberipika pa ang pagkikilanlan na pawang walang identification.
Base sa ulat ni Police Supt. Abraham Rafanan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT), bandang alas-11:30 ng gabi nang harangin ng mga tulisan ang Isuzu truck (WFA-211) ng Pabling Rice Mill na may lulang 210 sakong bigas pagsapit sa Barangay Taal, Pulilan, Bulacan mula sa Guimba, Nueva Ecija.
Ayon pa sa ulat, sakay ng KIA van na may plakang XGE-880 ang mga tulisan nang isagawa ang panghaharang at agad na tinutukan ng baril ang mga biktimang drayber ng trak na si Joselito Sebastian at dalawang pahinanteng sina Dionisio Corpuz at Johnny Genemelo saka itinali ang mga kamay at binusalan ang bibig para hindi makasigaw.
Pagsapit sa bahagi ng Barangay Sto. Cristo, Bulacan ay inihulog ang tatlong biktima mula sa van bago magkasunod na minaneho ang trak na may lulang sakong bigas.
Lingid naman sa kaalaman ng limang tulisan ay may PNP checkpoint silang madaraanan sa nabanggit na barangay, subalit hindi nila hinintuan ng mga haydyaker kahit na pinapara ng mga nagbabantay ng mga pulis.
Bandang ala-1:45 ng madaling-araw nang magkahabulan at magkabarilan na ikinasawi agad ng lima. Narekober ang tatlong baril at dalawang granada sa mga tulisan. (Ulat nina Efren Alcantara at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended