^

Probinsiya

Ex-mayor,3 pa kinasuhan sa tangkang pagpatay sa Lakas bet

-
ILIGAN CITY – Nalalagay sa balag ng alanganin ang dating alkalde ng Lanao del Norte kasama pa ang tatlong kalalakihan makaraang sampahan ng attempted murder ng kumakandidatong vice mayor sa bayan ng Salvador noong nakalipas na linggo.

Sa reklamo ng biktimang si Ramon C. Yu, vice mayoral candidate sa Salvador, Lanao del Norte at executive sa malaking kompanya, inakusahan nito sina Rodolfo Lerio, gunman, dating Salvador Mayor Johnny Tawantawan at dalawang lalaki na nakilala lamang sa alyas na Subair at Bebe.

Ayon kay Yu, ang pagtatangka sa kanyang buhay ay politically motivated.

Isinumite na ni P/Chief Insp. Jesus Rebua, hepe ng Intelligence and Investigation Division, ang reklamo ni Yu kay prosecutor Roberto Albulario Jr. na nagrekomenda naman ng P120,000 piyansa sa bawat akusado.

Base sa ulat ng pulisya, si Lerio ay kasalukuyang naghihimas ng rehas ng bakal samantalang sina Subair at Bebe ay tinutugis habang ang inaakusahang mastermind ay iimbitahin sa himpilan ng pulisya para sa kuwestyunin at kapag hindi siya sumipot ay magpapalabas ng warrant of arrest ang prosecutor’s office.

Bago magsampa ng kaso si Yu ay tinangkang barilin ni Lerio ang biktima noong Marso 17, 2004 habang papasok ng opisina.

Hindi naiputok ni Lerio ang hawak na baril dahil agad na naagaw ni Yu hanggang sa magpambuno ang dalawa kaya nadakip nang nagrespondeng pulis. Sa himpilan ng pulisya, kumanta si Lerio na binayaran siya ng paunang P5,000 matapos makipagpulong sa dating alkalde ng Salvador at ang kakulangang P55,000 ay ibibigay kapag naisagawa ang krimen. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BEBE

CHIEF INSP

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

JESUS REBUA

LANAO

LERIO

NORTE

RAMON C

ROBERTO ALBULARIO JR.

YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with