Bata nahulog sa ilog, patay

DAET, Camarines Norte – Isang apat-na-taong gulang na batang lalaki ang iniulat na nalunod sa ilog makaraang makabitiw sa pagkakahawak ng sariling ama habang tumatawid sa tulay na sakop ng Purok 4, Barangay Dogongan ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Anim na oras bago natagpuan ang bangkay ng biktimang si John Gil Lladoc matapos na makabitiw sa kamay ng amang si Juan Carlo Jesus Lladoc ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/Supt. Antonio Freyra, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, naitala ang insidente dakong alas-6 ng gabi habang tumatawid ang mag-ama sa naturang tulay kahit na malakas ang hangin at agos ng tubig-ilog dahil sa bagyong "Butchoy".(Ulat ni Francis Elevado)

Show comments