P15-M tower ng Napocor nasunog
March 23, 2004 | 12:00am
CALACA, Batangas Tinatayang aabot sa P15 milyon ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang transfer tower ng National Power Corporation (Napocor) dahil sa naiwang bukas na welding machine na nag-overheat kamakalawa ng hapon sa naturang bayan.
Sinabi ni Inspector Von Ferdinand Nicasio, district fire marshall, nagsimula ang sunog dakong alas-12:10 ng hapon na tumagal hanggang ala-1:30 matapos na rumesponde ang mga kasapi ng pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Lemery, Balayan, Tuy at Taal. Ayon pa sa ulat, naantala ang operasyon ng Napocor noong Sabado, subalit wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog. Kasalukuyang hindi makapagbigay ng detalye ang mga opisyal ng Napocor tungkol sa nasunog na ari-arian dahil patuloy pa itong sinisiyasat. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended