2 Hapones timbog sa P 1.6M marijuana
March 23, 2004 | 12:00am
BAGUIO CITY Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang dalawang Hapones na lalaki makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong marijuana sa itinayong checkpoint sa kahabaan ng Barangay Dantay, Bontoc, Mt. Province noong Biyernes ng umaga.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Shunsuke Tamazaki, 32 ng Canagawa, Japan at Yokei Saito, 21 ng Tokyo, Japan.
Ayon kay Police Senior Supt.Eugene Martin, tagapagsalita ng Cordillera police, ang dalawa ay nasabat ng mga kagawad ng Cordillera Regional Police na may dalang 13 marijuana bricks na tumitimbang na 1,360 kilograms.
Napag-alaman pa sa ulat na huminggi na ng certificates ang pamunuan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cordillera Regional Office tungkol sa drug bust operation laban sa dalawang Hapones para impormahan ang Japanese Embassy sa pagkakadakip sa mga suspek.
Kasunod nito, nakatanggap na ng liham ang pamunuan ng PNP mula kay Consul Naoki Ida, 1st Secretary sa Japanese Embassy tungkol sa pagbisita ni Yuji Ito, asst. supervisory investigator sa Narita Customs at Shigetoshi Aoyama, Japanese International Cooperation Agency Customs (JICA) expert. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended